Home METRO 3 sugatan sa sunog sa Caloocan

3 sugatan sa sunog sa Caloocan

MANILA, Philippines – Tatlo ang sugatan sa sumiklab na sunog sa Caloocan City.

Agad nilapatan ng lunas sina Nancy Belangel, 24; Joseph Gale, 44, at Julie Belangel, 67, para sa lacerations, paso at bali sa buto.

Unang nasunog ang isang dalawang palapag na bahay sa Barangay 176, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Nagsimula umanong magliyab ang isang kwartong tulugan sa unang palapag ng nasabing tahanan.

Dalawang pamilyang binubuo ng 12 katao ang nawalan ng bahay sa apoy na tumupok ng P80,000 halaga ng ari-arian. Merly Iral

Previous articleHatol sa lalaki ng nanghipo sa pwet ng dalagita, kinatigan ng SC
Next articleBong at Lani, lolo’t lola na naman!