Home HOME BANNER STORY Bato nagpasaklolo sa SC ukol sa ICC arrest vs Digong

Bato nagpasaklolo sa SC ukol sa ICC arrest vs Digong

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na si Sen. Ronald Bato dela Rosa sa Korte Suprema kaugnay sa naging aksyon ng International Criminal Court (ICC) at International Criminal Police Organization (Interpol) laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.

Naghain ang senador ng petition for certiorari and prohibition sa Korte Suprema para hilingin na itigil ang kooperasyon ng gobyerno sa International Criminal Court.

Iginiit ni Bato na labag sa Saligang Batas ang imbestigasyon ng ICC at ang inisyu na arrest warrant laban kay Duterte.

Sa petisyong inihain ng kanilang legal counsel na si Atty. Israelito Torreon, hiniling din nila ang agarang pagpapalaya kay Duterte dahil ilegal, unconstitutional, at walang basehan ang pag-aresto sa dating pangulo.

Matagal na aniyang tumiwalag ang Pilipinas sa ICC kaya hindi na nito saklaw ang Pilipinas.

Samantala, agad namang kumilos ang Supreme Court sa nasabing petisyon na kumukwestyon sa ipinagkakaloob na kooperasyon ng gobyerno sa International Criminal Court.

Ipinag-utos na ni Chief Justice Alexander Gesmundo na irafol agad ang petisyon.

“Given the significance of this case and upon the Chief Justice’s instructions, a special raffle has been conducted pursuant to Rule 7, Section 7 of the Internal Rules of the Supreme Court.” Teresa Tavares