Home NATIONWIDE BatStateU students, pumangatlo sa international space robotics competition

BatStateU students, pumangatlo sa international space robotics competition

1
0

MANILA, Philippines – Pumangatlo ang isang grupo ng aerospace engineering students mula sa Batangas State University (BatStateU) sa international Kibo Robot Programming Challenge (Kibo-RPC), ayon sa Philippine Space Agency (PhilSA).

Ang koponang Inflection Point ay nagprograma sa Astrobee robot ng NASA na nasa Japanese Kibo module ng International Space Station (ISS), kung saan nakipagkumpitensya sila sa 738 koponan mula sa mahigit 30 bansa sa image recognition accuracy at mission speed.

Binubuo ang grupo nina third-year students Howell Dela Cruz, John Royeth Samson, Ahron Martinez, Benedict Lontok, Andrew Cabile, at Amer Panganiban. Natapos nila ang apat sa limang mission tasks sa live test run at nakakuha ng 216.8 sa kabuuang 300 puntos.

Ayon sa PhilSA, kasunod ito ng kanilang makasaysayang pagtatapos sa ikalawang puwesto noong 2024, kung saan sila ang kauna-unahang koponan mula sa Pilipinas na lumahok at nanalo sa Kibo-RPC.

Idinaos ang final round ng kompetisyon sakay ng ISS noong Pebrero 28. Layunin ng Kibo-RPC na sanayin ang mga estudyante sa Asia-Pacific sa pagprograma ng mga robot para sa operasyon sa kalawakan sa ilalim ng microgravity conditions. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here