Home HOME BANNER STORY Bawal pa rin pahalik sa imahe ng Itim na Nazareno

Bawal pa rin pahalik sa imahe ng Itim na Nazareno

Kuha ni Crismon Heramis l Remate News File

MANILA, Philippines – Mahigpit na paalala ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo na bawal pa rin ang paghalik sa imahe ng Itim na Nazareno kapag sinimulan na ang “pahalik” ngayong Sabado, Enero 6 ganap na alas 7 ng gabi.

Ang mga deboto ay papayagan lamang na magpunas ng dala-dalang panyo o towel sa imahe.

 

ABALA ang lahat maging ang mga kawani ng Department of Public Safety Manila, at ag Hijos del Nazareno Central sa pagsasaayos ng altar para sa pagpupigay na gaganapin sa Kapistahan ng mahal na Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, 2023. Kuha ni Crismon Heramis

Ang pagbabawal na ito ay upang maiwasan na rin ang posibleng hawaan pa sa Covid-19 dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso bagamat ito ay kontrolado.

Ito ay papalitan ng “Pagpupugay” kung saan ang mga deboto ay maari na lamang makatanaw o makalapit sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa pagbabalik ng Pahalik noong 2023, pinahintulutang hawakan ng mga deboto ang Itim na Nazareno gamit ang tuwalya o panyo.

Kasalukuyang inihahanda ang Quirino Grandstand para sa Black Nazarene Pahalik, na magsisimula mamayang gabi.

Handang -handa na rin ang kapulisan ng Manila Police District sa pamumuni ni Police District Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay.

“Tuluy-tuloy po itong pagbabantay natin dito po sa Quiapo, at saka siyempre sa mga susunod na araw diyan naman sa Quirino Grandstand,” pahayag ni Ibay .

Magsisimula ang Misa para sa mga volunteer alas 6 mamayang hapon.

Sa Lunes, ang Panalangin sa Takipsilim ay ganap na alas-5:30 ng hapon, na susundan ng isang pagbabantay at programa sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Alas-12:00 ng tanghali ng Enero 9, isang Misa Mayor o Solemn Mass ang isasagawa bago ang pagpapatuloy ng vigil. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)