Home NATIONWIDE Maritime cooperation ng Pinas at US swak sa EEZ sovereign right –...

Maritime cooperation ng Pinas at US swak sa EEZ sovereign right – Año

MANILA, Philippines – SINABI ni National Security Adviser Eduardo Año na hindi “provocative military activity” ang maritime cooperative activities (MCA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ang dahilan ni Año, ginawa ito sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) at alinsunod sa international law.

“The Philippines is exercising its sovereign right to engage in such activities,” ayon kay Año sabay sabing “exercises are aimed at enhancing the country’s maritime capabilities and interoperability to ensure security and stability in the region.”

“The Chinese spokesman referred to these activities as ‘provocative military activities’ and deemed them as ‘irresponsible.’ We wish to clarify that the MCA between the Philippines and the United States were clearly conducted within our EEZ and are consistent with international law, particularly the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), so how can they be deemed provocative?” ang pahayag ni Año.

Ang pangalawang pagkakataon na inulit ang MCA kasama ang Estados Unidos ay nangyari sa West Philippine Sea (WPS) noong nakaraang Enero 3 hanggang 4, dalawang buwan matapos ang isinagawang unang MCA noong Nobyembre 21 hanggang 23, 2023.

Ani Año, ang MCA ay pagpapakita lamang ng development ng “world-class Navy and Armed Forces” may kakayahan na isakatuparan ang mandato na idepensa ang territorial integrity at maritime rights ng Pilipinas sa WPS.

“The joint patrol emphasizes our ability to work seamlessly together to ensure the readiness of our joint forces to address evolving security challenges. Our joint patrols with the United States and potential future activities with other allied countries show our mutual commitment to a rules-based international order and for promoting peace and stability of the region,” anito.

Winika pa ni Año na nananatiling bukas ang Pilipinas sa diplomatic discussions sa China at muling pagtibayin ang commitment nito na pangalagaan ang magandang relasyon sa lahat ng bansa.

“We believe that through peaceful dialogue and adherence to international law, we can achieve a resolution that serves the best interests of all parties involved in the region,” aniya pa rin. Kris Jose

Previous articleP33 arawang dagdag-sahod sa N. M’danao ipatutupad na
Next articleBawal pa rin pahalik sa imahe ng Itim na Nazareno