Home METRO P33 arawang dagdag-sahod sa N. M’danao ipatutupad na

P33 arawang dagdag-sahod sa N. M’danao ipatutupad na

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng P33 increase sa daily minimum wage ang Northern Mindanao labor sector simula Enero 11.

Ang pagtaas ay ibibigay ng tranches– ang inisyal na pagtaas ng P23 ay magiging epektibo sa Enero 11 at ang karagdagang P10 ay sa Hulyo 1.

“The DOLE will implement Wage Order No. RX-22 on Jan. 11 for Northern Mindanao after it was published in a local daily newspaper here on Dec. 26, 2023,” sabi ni Director Erwin Aquino ng Department of Labor and Employment Region 10 sa media briefing nitong Friday.

Sinabi ni Aquino na ang pagtaas ng sahod ay makikinabang sa 144,133 minimum-wage earners ng Northern Mindanao.

Makikinabang din ang 54,851 “kasambahay” o mga kasambahay sa rehiyon, dagdag ni Aquino.

Sa buong rehiyon, humigit-kumulang 267,305 ang mga full-time na manggagawa na kumikita ng higit sa minimum na sahod. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleBong Go: Sakit sa puso ‘top killer’ sa PH kaya mahalaga ang RSC, SHC
Next articleMaritime cooperation ng Pinas at US swak sa EEZ sovereign right – Año