Home NATIONWIDE Bawas-singil sa Meralco namumuro ngayong Agosto

Bawas-singil sa Meralco namumuro ngayong Agosto

MANILA, Philippines – May namumurong bawas-singil ang Meralco sa paparating na August billing.

Bunsod umano ito sa paglakas ng piso kontra dolyar at pagmura ng presyo ng kuryente sa spot market.

Kung magkataon ay ito na ang ikalawang sunod na pagbaba ng singil sa bill sa Meralco.

Samantala, iniatras ng gobyerno ang simula ng bagong subsidy program para sa mga mahihirap na customer ng Meralco at ibang electric cooperatives sa buong bansa.

Bunsod naman ito ng napakaonting nagrehistro sa Meralco lifeline subsidy. Sa ngayong kasi ay umabot pa lang sa 12,000 ang nagpaparehistro sa ilalim ng subsidiya na kung saan malilibre ang bill ng koryente kung hindi lalagpas sa 100 kw ang nakonsumo ng isang samabahayan sa isang buwan.

Target din ng nasabing subsidiya ang 4Ps beneficiaries o bahagi ng marginalized sector.

Target ng Meralco na i-rollout ito sa Setyembre 1 at pinaalalahanan ang publiko na samantalahin at mag-aplay na rito.