Home NATIONWIDE Bayad sa iba pang digital services sisirit sa dagdag VAT

Bayad sa iba pang digital services sisirit sa dagdag VAT

MANILA, Philippines – Matapos ang pagtaas ng presyo ng Netflix, inaasahang susunod na rin ang iba pang digital services sa pagtaas ng bayad dahil sa bagong 12% VAT na ipinatupad simula Hunyo 2025.

Sakop nito ang mga serbisyo gaya ng streaming, gaming, ride-hailing, at cloud storage.

Habang ipinasa ni Netflix ang buwis sa mga user, pinili ng Steam na akuin ang dagdag gastos.

Ayon sa tax expert na si Mon Abrea, ang dagdag kita ng gobyerno ay manggagaling sa konsumo ng mga Pilipino.

Nanawagan din siya para sa mas epektibong pagpapatupad at patas na pagbubuwis sa malalaking tech companies. RNT