Home NATIONWIDE Bayanihan lunas sa lumalalang Climate Change

Bayanihan lunas sa lumalalang Climate Change

MANILA, Philippines – “SAMA-SAMA tayo, isa lang ang kalaban natin, ang kalaban natin ay ang climate change.”

Ito ang panawagan ni Vice Chairperson at Executive Director ng Climate Change Commission (CCC) na si Sec. Robert E.A. Borje makaraang magsilbi itong pangunahing tagapagsalita sa ginanap na Policy Expo 2024 forum sa University of Santo Tomas (UST) nitong Biyernes, Marso 8.

“Yung mensahe na bayanihan is not just a phrase, it’s the action call. Kase kung magkakawatak-watak tayo, magkanya-kanya tayo, the private sector, the public sector, the academe, the communities, the youth, pag magaaway-away kayo walang mangyayari. Iisa lang ang kalaban natin, ang kalaban natin ay climate change,” ani Borje.

“Isa pang mensahe kaya nandito ako sa UST, huwag kayong matakot sa data, huwag kayo matakot sa agham. Ang agham ang makakatulong sa atin para masolusyunan ang problema ng climate change. Data will drive us to make the decision base on available science. So dapat we have more scientist, we encourage more people to understand the science and make it an ally not our host,” dagdag pa ng kalihim.

Dumalo si Borje sa 2nd Policy Expo na pinangunahan ng UST- Research Center for Social Sciences and Education (RCSSED) na may temang “Towards Security Solutions: Creating Strategic Intersections for Scholars and Bureaucrats” na nilahukan din ng mga mag-aaral, mananaliksik, akademya, mga boluntaryong grupo, at iba pa.

Layon ng nasabing exposition na mahanap kung paano makakatulong ang mga iskolar at mga research institutions na matulungan ang mga government institutions sa paghahanap ng kabuuang seguridad.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Frederick Rey, project head ng 2nd Policy Expo at isa ring political sociologist at researcher, mayroong umuusbong na kalakaran sa paggawa ng patakaran sa gobyerno kung saan nagiging pamilyar ang mga eksperto sa pangangailangan ng ebidensya.

Aniya, ang mga unibersidad sa bansa ay dapat i-maximize ng mga national government agencies (NGAs) para bigyan ng pagkakataon ang mga ito na makatulong sa gobyerno.

“We are still looking for more partner agencies, we expect that the UST-RCSSED will be constantly involved in shaping the policy narratives of the country such as climate change, food security, and technology. We will be present to guide our policy makers in forging scientific and culturally rooted policies,” ani Dr. Rey.

Bukod kay Sec. Borje, nagsilbi din na guest speaker sa unang araw ng nasabing forum sina Program Officer for the Center for Liberalism and Democracy PJ Leynes at si AGRI Party list Representative Cong. Wilbert Lee. JAY Reyes

Previous articleSerye nina Jen-Xian, matsutsugi na!
Next articlePumping stations pinasinayaan sa Navotas