Home ENTERTAINMENT Serye nina Jen-Xian, matsutsugi na!

Serye nina Jen-Xian, matsutsugi na!

Manila, Philippines – Si Xian Lim ba ang dapat sisihin kung bakit bilang na ang araw ng serye nila ni Jennylyn Mercado, ang Love. Die. Repeat?

Habang sinusulat namin ito’y tatlong linggo na lang mapapanood ang LDR.

Depensa ng mga taga-GMA, miniseries lang naman ito.

Nagsimulang umere ang LDR noong January 2024.

For the record, LDR is the second mini-series ng GMA na hindi nagtagal sa himpapawid, the first being Love Before Sunrise tampok sina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

Now that LDR is bidding goodbye in three weeks, depensa uli ng GMA ay unfair kay Xian na ibunton ang sisi.

Matatandaang naudlot noon ang taping nito nang magkaroon ng clotting si Jen.

Dalawang taon ding natengga ang nasabing proyekto.

Ang mababa ba nitong ratings ang “culprit”?

Again, ayon sa isang GMA insider, hindi man daw kataasan ang ratings nito’y hindi masasabing flop ang serye.

To begin with, ano ba kasing show ang katapat ng LDR?

It turns out na ang kapukpukan ng LDR sa ratings game ay ang Linlang nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

In short, kinabog ng Linlang ang LDR!

“Sweet revenge” bang matatawag ito ni Kim dahil sa breakup nila ni Xian?

If it may be said so, nakakalungkot namang nadamay pa si Jen sa indultong ito considering na ang LDR ang TV comeback ng namahingang aktres.

Lihim kayang nagbubunyi si Kim dahil “nakaganti rin siya”? Ronnie Carrasco IiI

Previous articleUtang ng Tape, Inc. sa GMA-7 umabot ng P57M!
Next articleBayanihan lunas sa lumalalang Climate Change