Home ENTERTAINMENT Utang ng Tape, Inc. sa GMA-7 umabot ng P57M!

Utang ng Tape, Inc. sa GMA-7 umabot ng P57M!

Manila, Philippines – Luging-lugi ang Tape, Inc.!

Ito ang nagdudumilat na katotohanan sa pagsasara ng Tahanang Pinakamasaya na pinoprodyus nito.

March 2 nang umere ang huling live telecast nito sa GMA, its home sa loob ng walong buwan.

Mula March 4 hanggang March 7 ay puro replay ng TP ang isinalang nito.

Ayon sa nakalap naming impormasyon, aabot nang P57 million ang pagkakautang ng

Jalosjos-owned company sa GMA.

Hindi raw nito mabawi-bawi ang kanilang pagkalugi sa pamamagitan ng commercial load.

Noong ang TVJ pa raw ang tumitimon ng Eat Bulaga, ang isang 30-second commercial ay nagkakahalaga between P150k and P200k.

Pero nang mawala raw ang TVJ at lumipat sa TV5 ay kasama ring nagsunuran ang mga advertisers nito.

To resolve this, binabaan daw ng Tape, Inc. ang kanilang 30 seconder hanggang P40k.

Pero hindi pa raw ito sapat para makaalwan-alwan mula sa kanilang lugmok na sitwasyon.

Back when TVJ was on Eat Bulaga, kumikita raw sila ng gross na P200 million kada buwan.

Less cost of production at airtime fees due GMA, numeneto raw ang Tape, Inc. nang malinis na P100M.

Pero dahil hindi na nga ganito ang scenario with its new set of hosts kung kaya’t atrasado pa ang Tape, Inc. sa pagbabayad ng buwanang airtime.

Maging ang sahod daw ng mga celebrity hosts ng TP ay hindi nila mabayaran sa tamang oras.

Tulad nga ng kanilang ipinangako, nitong March 7 ay naglabas ng official statement ang GMA at ang Tape, Inc. hinggil sa isyu surrounding the program.

Nakakaintriga lang ang pamamaalam ng ibang hosts ng TP tulad ni Mavy Legaspi.

Kasabay kasi ng kanyang pasasalamat sa pagtangkilik ng publiko sa TP ay kabuntot ang nakakaintrigang linyang “See you soon!”

Ano raw ba ang ibig sabihin nito, na magbabalik ang TP sa GMA?

Samantala, balitang noong March 2 ay hindi raw napigilan ni Paolo Contis na pasimpleng tumungo sa dressing room para humagulgol sa pagkawala ng programang ipinaglaban pa mandin niya to the point na siya ang naging pambala laban sa TVJ.

Well, that’s how it is on television.

There’s no such thing as a permanent show.

If it’s any consolation, it happens even to the best of people. Ronnie Carrasco III