Home ENTERTAINMENT Bday wish ni Carla kay Bea, iba ang dating sa netizens!

Bday wish ni Carla kay Bea, iba ang dating sa netizens!

Manila, Philippines – Obyus na isang malalim na pagkakaibigan ang namuo sa pagitan nina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Unang naging magkatrabaho ang dalawang Kapuso actress sa primetime show ng GMA na Widows’ War.

To a certain extent nga’y may ilang commonalities sina Bea at Carla lalo na when it comes to their personal lives.

Pero buhat nang simulan nila ang nasabing teleserye, they hardly discussed anything about what they went through.

Basta very open sila sa pagsasabing hinahangaan nila ang isa’t isa.

Kamakallan ay nagdaos ng kanyang 37th birthday si Bea.

She opted to celebrate it by bringing cheer and spreading love sa mga nasa Tahanang Walang Hagdanan.

Namigay ang aktres ng mga regalo–lots of it plus may kasama pang entertainment from Kakai Bautista.

As for Carla naman, nagpost siya ng mga litrato nilang dalawa ni Bea sa Instagram.

Mensahe ni Carla sa kanyang co-star: “You are so special, you are so blessed, you are so loved. I hope on your special day, you felt all that–plus more. You deserve nothing but life’s absolute best!”

‘Yun nga lang, ang inakalang mala-tribute ni Carla kay Bea was mistaken for a post na nangangahulugan ng pamamaalam sa ere ng Widows’ War.

Agad naman itong kinorek ni Carla: “Far from it!”

Of late, laging pinakakain ng alikabok ng katapat na show ang WW gayong maganda naman ang takbo ng kuwento nito.

Nakaka-three in a row na si Bea mula nang lumipat siya sa GMA, ha?

As in tatlong magkakasunod na show na malagihay ang ratings! Ronnie Carrasco III