Home ENTERTAINMENT Bea at Dom, bet mag-honeymoon sa Maldives!

Bea at Dom, bet mag-honeymoon sa Maldives!

Manila, Philippines – Sa latest entry sa kanyang vlog, sumalang sa A to Z challenge ang Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Ani Bea, answered prayer daw para sa kanya ang makatagpo ang lalakeng pakakasalan siya tulad ni Dominic Roque.

Dahil galing sa broken family at na-ghost sa kanyang previous relationship, dati raw ay hindi siya naniniwala sa kasal until her fiance came.

Hirit pa niya, bata pa raw ay pangarap na niyang maging artista.

Marahil kung hindi man daw siya natuloy sa pag-aartista, ang pagiging writer o kaya’y events planner ang kanyang kakarerin.

Mantra raw niya sa buhay ang mahalin ang kanyang trabaho para siya pagpalain.

Biggest lie naman na nasabi raw sa kanya ay nang may nanlait sa kanyang kakayahan bilang actress.

Tinaningan daw nito ang kanyang karera at sinabing hanggang sa pagiging bold star na lang ang kanyang mararating na hindi naman nangyari.

Pet peeve raw naman sa kanya ang katrabahong di kabisado ang linya.

Dagdag pa niya, nao-offend daw siya sa kaeksenang hindi inaral ang script.

Nadi-distract din daw siya kapag may maingay sa set.

Pinakamalaking sugal naman daw sa kanyang career ay noong lumipat siya mula ABS-CBN to GMA-7.

So far naman ay nakapag-adjust na rin daw siya sa kanyang bagong tahanan.

Bilang traveler, bet din daw niyang magpunta ng Maldives at doon sila mag-honeymoon ni Dom.

Turn off daw sa kanya ang lalakeng mabaho o may body odor o bad breath o may isyu sa hygiene.

Si Bea ay kasalukuyang napapanood sa Kapuso serye na “Love Before Sunrise” kung saan kapareha niya si Dennis Trillo. Archie Liao