Home LAGAY NG PANAHON LPA namataan sa coastal waters ng Isabela

LPA namataan sa coastal waters ng Isabela

MANILA, Philippines – Namataan ang isang low-pressure area sa coastal waters ng Dinapigue, Isabela.

Kasabay nito, patuloy din na makakaapekto sa eastern section ng North at Central Luzon ang shear line.

Northeast monsoon o amihan naman ang iiral sa nalalabing bahagi ng North at Central Luzon.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Metro Manila, CALABARZON, Mainland Cagayan, Isabela, Aurora, Quirino, Bulacan, Oriental Mindoro, at Marinduque dahil sa LPA at shear line.

Samantala, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon dahil sa amihan, habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleBea at Dom, bet mag-honeymoon sa Maldives!
Next article1.02 milyon dumagsa sa Manila North Cemetery!