Home ENTERTAINMENT Bea, may isyu sa mga kasambahay?

Bea, may isyu sa mga kasambahay?

Manila, Philippines- Ganoon na lang ang pagka-touch ni Bea Alonzo sa sweet gesture ng kanyang mga kasambahay kamakailan.

Nagtipun-tipon nga ang mga ito shortly after her much-publicized breakup with Dominic Roque.

In a way, napaligiran si Bea ng mga nagmamalasakit na kasambahay para suportahan siya sa kanyang pinagdadaanan.

Judging from the photos on social media, larawan ng kasiyahan ang mga kasambahay ng aktres, considering themselves lucky sa pagkakaroon ng employer tulad ni Bea.

Pero taliwas ito sa latest tsika na ibinahagi ni Cristy Fermin sa kanyang radio program.

Diumano, nag-rant ang nobya ng kanyang driver sa social media.

Inirereklamo nito ang umano’y polisiya na pinaiiral ni Bea.

Maging ang iba pang kasama sa bahay ng Kapuso actress ay may isyu laban sa kanya.

Kung sa pagbibigay ng SSS at Philhealth na naaayon sa batas ay wala naman daw pagkukulang si Bea.

Ang mga benepisyong ito’y ipinagkakaloob naman ng aktres.

Partikular na inaalmahan ng mga kasambahay ang pagbabawal sa kanila na lumabas ng bahay.

Ang rason naman ng mga ito: hindi naman daw para mamasyal sila.

Ito’y kundi mag-ayos ng kanilang mga dokumento attendant to their employment.

Sa kaso naman ng driver, ayon sa nobya nito’y sinisingil daw ito ni Bea kapag nababangga ang minamanehong sasakyan.

Cristy maintained na hindi raw dapat ipaako sa driver ang pinsala ng sasakyan ng aktres dahil insured ito.

Sa madaling salita, walang perang dapat ilabas ang driver dahil bahala na ang insurance company na umareglo nito.

Bukas ang Remate Online sa panig ni Bea para pasinungalingan ang iniulat ni Cristy sa kanyang radio program. Ronnie Carrasco III

Previous article‘Heatstroke break’ ng MMDA suportado ng water concessionaires, private companies
Next articleGermany hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa PH