BERLIN- Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Germany nitong Martes na ang pamumuhunan sa Pilipinas ay isang ”attractive option” sa gitna ng business reforms.
Inihayag ito ni Marcos sa joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz.
“Investing in the Philippines is now a more attractive option given the legal reforms that allow full foreign ownership in certain sectors such as railways, airports, expressways, telecommunications, and renewable energy,” wika ni Marcos.
“The Philippines would like to cooperate in the areas of manufacturing, construction and infrastructure, IT-BPM, innovation, and startups, as well as renewable energy and mineral processing,” patuloy niya.
Ayon kay Marcos, malaki ang epekto ng malakas na domestic consumption sa economic dynamism ng Pilipinas.
Sinusuportahan umano ito ng isang diverse labor market, lumalagong services industry, at remittances mula sa overseas Filipinos.
Nasa German capital si Marcos para sa two-day working visit. RNT/SA