Home METRO Konstruksyon ng biking facilities sa Metro Cebu tututukan ng DOTr

Konstruksyon ng biking facilities sa Metro Cebu tututukan ng DOTr

MANILA, Philippines- Nakipagtulungan ang Department of Transportation at lokal na pamahalan ng Cebu upang isulong at pahusayin ang mga aktibong transport at cycling infrastructures sa Metro Cebu.

Sinabi ng DOTr nitong Martes na kasama sa proyekto ang pagpapalawak, pag-upgrade at pagpapanatili ng aktibong transport infrastructure.

Maglalagay din ng mga karagdagang bike lane at end-of-trip facility sa Cebu, Lapu-Lapu, Mandaue, Cordova at Talisay na may ilang bike lane na umaabot hanggang 67.19 kilometro sa mga piling kalsada.

Kasama rin sa proyekto ang pagpapanatili at pag-upgrade ng umiiral na 124.69 kilometro ng bike lanes at paglalagay ng mahigit 138 bike racks at limang bike repair station sa 23 lokasyon sa paligid ng Metro Manila.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad na ang proyekto ay isang mahalagang milestone sa pagkilala sa kahalagahan ng pagbibisikleta bilang isang eco-friendly na paraan ng transportasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGermany hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa PH
Next articleSenado nag-isyu ng show cause order vs Quiboloy