Home ENTERTAINMENT Bea, nagsalita na sa breakup nila ni Dom!

Bea, nagsalita na sa breakup nila ni Dom!

Manila, Philippines – Sa panayam ni Bea Alonzo sa digital magazine na Tatler Asia, ibinahagi ng aktres ang pinagdaanan niya sa mga nakalipas na buwan matapos ng breakup nila ni Dominic Roque.

Ayon sa aktres, buong akala niya noon ay si Dominic na ang lalaking makakasama niya habambuhay, ngunit sa kasamaang palad ay hindi ito natupad dahil sa ilang hindi nila pagkakaunawaan.

Sabi ni Bea “I saw myself marrying this man. But sometimes, things don’t go according to plan. Sometimes God’s plan is better, and I have learnt to embrace that.”

Hindi raw naging madali para sa kanila ni Dominic ang desisyong tuldukan ang kanilang relasyon.

“Before we announced it, we had been trying to work things out for months. It’s not like it happened overnight, it was a process for both of us.

“It always takes two to tango. Sometimes relationships don’t work, and that’s fine.”

Hindi rin daw sinisisi ni Bea si Dominic sa naging desisyon nitong makipaghiwalay sa kanya dahil alam niyang inisip lang nito ang makabubuti para sa kanilang dalawa.

Ginawa rin daw nila ang lahat para maisalba ang kanilang pagmamahalan ngunit sa huli ay napagtanto nilang hindi na ito sapat para ituloy pa nila ang kasal.

“The two people in the relationship are the only ones who know the truth. In my case with Dom, we didn’t want to get married anymore.

“We tried to patch things up, but it did not work.”

Hindi sinabi ni Bea ang mismong dahilan ng kanilang hiwalayan. Ngunit paglilinaw niya, hindi ito dahil sa third party na kadalasang rason ng paghihiwalay ng dalawang magkasintahan. Rommel Placente