Home NATIONWIDE Comelec chief: ‘Paninira’ sa poll execs planado

Comelec chief: ‘Paninira’ sa poll execs planado

MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections Chairman George Garcia na mayroong plano na siya ay pabagsakin kasama ang iba pang miyembro ng poll body.

Ayon kay Garcia, ang impeacement complaint ay tungkol sa alegasyon na tumanggap siya ng suhol mula na foreign banks, kabilang ang bangko na nakabase sa South Korea.

Sinabi ng poll chief na nabasa na niya ang mangyayari sa kanya at ng kanyang mga kasamang komisyuner.

Nauna nang humingi ng tulong si Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI) na tingnan ang mga kumakalat online na siya ay may offshore bank accounts.

“Para sa kaalaman ng mga ‘yan, ito po ay isang planado na operasyon, sunod-sunod po ito, series. madami po ito. Ang susunod po nito, sabihin ko na, ‘yung individual members ng commission, ang mga commissioners ko naman ang may white paper,” sabi ni Garcia sa isang panayam.

Sa liham na may petsang Hulyo 8 para kay NBI director Jaime Santiago, sinabi ni Garcia na ang mga alegasyon na ibinabato sa kanya ay pawang mga walang basehan at walang katotohanan.

Sinabi ni Garcia na handa itong makipagtulungan sa buong imbestigasyon.

Ikinalungkot din ni Garcia na ang mga alegasyon laban sa kanya ay isinapubliko nang hindi muna kinuha ang kanyang panig.

Nitong Martes, inihayag ni Sagip Party-list Rep. Rodante Matcoleta na hindi bababa sa P1 bilyong halaga ng pondo ang nailipat mula South Korean-based banks sa 49 offshore accounts na umano’y nauugnay sa hindi pinangalanang Comelec official.

Giit ni Garcia, hindi man lang siyia pinatawag at ang nag-aakusa ay napakalapit na kaibigan at naging kliyente niya pa.

“Nakakalungkot lang sana nasabihan tayo at the same time para makuha man lang asng side nation,” binigyang-diin ni Garcia. Jocelyn Tabangcura-Domenden