Home ENTERTAINMENT Bea, nagsisisi sa pa-thanksgiving party!

Bea, nagsisisi sa pa-thanksgiving party!

Manila, Philippines- Bago pa nanalasa ang pandemya nang huling magpa-party si Bea Alonzo.

That time ay nasa ABS-CBN pa siya.

Nito na lang uli nasundan ang pagho-host ng ngayo’y Kapuso nang aktres.

Ito’y nang magpa-thanksgiving party siya para sa cast and crew ng kinabibilangan niyang GMA series na Widows’ War.

Tulad ng alam ng lahat sa pagtitipong ‘yon nagkaroon ng isyu sa pagitan nina Rita Daniela at Archie Alemania na umabot pa sa demandahan.

Rita filed a case of acts of lasciviousness against Archie.

Dahil nga sa gulong ‘yon ay nagsisisi raw si Bea na nag-host pa siya ng naturang party.

Ito’y ayon na rin sa ilang taga-Sparkle, ang talent arm ng GMA.

Maging si Bea rin daw ay na-offend para kay Rita.

Samantala, ikinagulat daw ng Sparkle nang ipursige ni Rita ang kanyang demanda gayong pinagkasundo na raw sila ni Archie nito.

Pero ayon sa legal counsel ni Rita, desidido ito sa kanyang kaso.

Ang imminent problem nga lang is that there’s no certainty kung ibabalik ang karakter na ginagampanan ni Rita sa WW.

Eh, kaya nga raw niya ilalaban ang kaso versus Archie ay dahil pinag-iipunan niya ang gagastusin sa abogado.

Isa lang ang existing show ni Rita, ang All-out Sunday.

Nothing is definite yet if after WW ay may offer sa kanya ang GMA.

As for Archie, practically ay zero income siya pagkatapos siyang tanggalin sa WW.

Too bad for both Rita and Archie. Ronnie Carrasco III