MANILA, Philippines- Isang panukala na nagsusulong na ipagpaliban ang May 2025 polls sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang inihain ni House Speaker Martin Romualdez sa Kamara.
Sa ilalim ng panukala ay nais na ilipat sa Mayo 2026 ang BARMM election.
Sa Senado ay may kapareho ding panukala na inihain naman ni Senator Chiz Escudero.
Ipinaliwanag ni Romualdez na ang pagpapaliban ng BARMM election ay upang mapaghandaan pa ang eleksyon.
“This postponement is not a delay in progress, but rather a necessary step to ensure that the foundations we are building for BARMM are solid and capable of supporting a sustainable autonomous government,” pahayag ni Romualdez.
“This law is a testament to Congress’ dedication to the success of the BARMM, providing leaders with the time they need to complete this transition thoughtfully, inclusively, and with resilience for future generations,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Romualdez na sa isang taon na pagpapaliban ng eleksyon sa BARMM ay mabibigyan ng pagkakataon ang
Bangsamoro Transition Authority (BTA) na ihanda ang mas maayos na pagdaraos ng eleksyon.
Nakasaad sa House Bill 11034 na inakda ni Romualdez na ang term of office ng mga kasalukuyang BTA members ay matatapos at magtatalaga ang Pangulo ng 80 bagong interim members na magsisilbi hanggang sa mailuklok angbagong BARMM officials. Gail Mendoza