MANILA, Philippines- Ilang polling precincts sa United States ang nakatanggap ng bomb threats sa pag-arangkada ng 2025 US presidential election.
Naiulat ang bomb threats sa midwest states kung saan bulletproof ang mga bintana ng ilang polling centers, ayon sa ulat.
Kasalukuyang binabantayan ng Federal Bureau of Investigation (FBI) is anmg sitwasyon at nakaalerto sa mga nasabing banta.
Batay sa Reuters report, mayroong pagkaantalang naiulat sa ilang estado, kabilang ang ilang “non-credible” bomb threats na ayon sa FBI ay tila mula sa Russian email domains.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez nitong Linggo na ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at ng US ay mananatiling matibay sinuman ang manalo sa pagitan nina Republican presidential nominee at dating US President Donald Trump at Democratic presidential nominee at US Vice President Kamala Harris.
Samantala, sinabi ni US Ambassador MaryKay Carlson na siya ay “extremely confident” na ang alyansa ng Manila ay Washington ay magiging “steadfast and iron-clad” sinuman ang magwagi sa presidential race. RNT/SA