MANILA, Philippines- Mananatiling matatag ang alyansa sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kahit pa kung sino ang manalo sa US presidential election.
Sinabi ni US Ambassador MaryKay Carlson na siya ay “extremely confident” na ang alyansa ng Maynila at Washington ay magiging “steadfast and iron-clad” kung sino man ang manalo sa mahigpit na presidential race sa pagitan nina Democratic candidate Kamala Harris at Republican Donald Trump.
“I am very confident of the future of US-Philippine relations,” ang sinabi ni Carlson sa election watch party na hinost ng US Embassy sa Manila, sabay sabing ang Pilipinas ay mayroong “a very strong bipartisan support” sa Estados Unidos.
Sinabi pa nito na ang US elections ay mahalaga sa Pilipinas dahil maaari nitong baguhin ang trajectory ng policy ng Washington tungo sa Indo-Pacific region at Pilipinas, “which is locked in a fierce territorial disputes with an increasingly aggressive China in the resource-rich South China Sea.”
“Para sa akin medyo kalmado tayo na I don’t think we’re going to have a major change in the policies of the United States as far as our alliance is concerned,” ang sinabi naman ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez sa isang panayam.
Aniya, nakipag-usap na siya sa magkabilang kampo nina Republican presidential nominee at dating US President Donald Trump at Democratic presidential nominee at US Vice President Kamala Harris at kapuwa tiniyak ng mga ito sa kanya na pareho pa rin ang foreign policy.
“Ako naman luckily for me nandito ako, and ako nag-present ako ng credentials kay Trump sa 2017. So nakilala most of the people around former president Trump at ang kanilang national security advisers atsaka ‘yung mga iba pang [mga tao] that are now part of the Trump campaign. Kausap ko sila,” ani Romualdez.
“Sinabi naman sa akin na ‘yung policies nila will more or less be the same.’
“”Ganu’n rin ang sabi sa akin ng kampo ni Vice President Harris. Pero klaro ‘yung kay Vice President Harris dahil siyempre Democratic Party. ‘Yun ang kausap natin dito. ‘Yun ang nakilala ni President [Ferdinand] Marcos [Jr.] noong nagpunta siya dito dalawang beses sa Washington,” patuloy niya.
Sinabi pa ni Romualdez na mahalaga para sa Pilipinas kung sino ang susunod na US president at kung ano ang magiging foreign policy nito.
“Para sa akin, para sa Pilipinas, of course, importante sa atin na kung sino man ang magiging presidente tsaka ang kanilang foreign policy is what’s going to be very critical for us,” giit ni Romualdez.
Tinuran pa ni Romualdez na ang pagpapanatili ng malakas na ugnayang pang-ekonomiya sa Estados Unidos ay mahalaga lalo pa’t ang foreign investments ay tumataas sa bansa.
“Ang importante sa atin of course is economic. ‘Yan ang pinakaimportante sa lahat dahil mataas ang investments ngayon sa atin. Hindi lang naman galing sa atin (US), galing din sa Europe at ibang bansa. Nag-iinvest sa atin ngayon. Medyo maganda ang tingin ko. Kaya ang growth rate natin ngayon ay medyo bahagya [mataas] at marami ang nag-iinvest sa Pilipinas ngayon. ‘Yan ang para sa akin ay importante sa lahat,” aniya pa rin.
At nang tanungin kung ang Pilipinas ay may alalahanin sa posisyon ng bagong US President sa West Philippine Sea issue, sinabi ni Romualdez na: “There is none.”
“Sa tingin ko dahil ang kausap ko naman diyan ay ating mga military dito o ‘yung Pentagon, eh alam nila it is for our mutual interest. Interes ‘yun ng Amerika, interest din ng atin,” wika ni Romualdez.
“‘Yang tinatawag na freedom of navigation diyan sa South China Sea is important na dapat walang isang bayan na may hawak diyan dahil trillions of dollars ang dumadaan diyan na trade. Maaapektuhan ang Amerika,” ang sinabi pa ng opisyal.
“Atsaka ‘yung kanilang supply chain. Importante din ‘yan. Siyempre hindi naman lahat pwedeng i-manufacture dito sa Amerika sa isang click of a finger. Kaya importante sa kanila at na kasama nila ang kaalyado nila katulad natin, Japan, Australia, South Korea at iba pang mga bansa diyan sa South China Sea [issue].”
Samantala, tinawag ni Carlson ang eleksyon bilang “festival of American democratic process.”
“As friends, partners, and allies, we hold each other accountable to live up to our highest democratic ideals, including – maybe especially – during elections,” paglalahad ni Carlson.
“Our systems of government, though far from perfect, strive to enshrine the rule of law and protect the equality and dignity of all people – one person, one vote at a time. As Abraham Lincoln said, ‘Democracy is the government of the people, by the people, for the people.”
“When political parties compete freely on a level playing field; when voters’ rights are respected; and when election outcomes are upheld with the peaceful transition of power, societies are more prosperous and secure. And if governments fall short, voters can vote the other way the next time. That’s the power of democratic elections,” litaniya niya. Kris Jose