Home SPORTS Lakers mangangamote, Davis na-injured

Lakers mangangamote, Davis na-injured

LOS ANGELES — Sinabi ng Los Angeles Lakers star  Anthony Davis na medyo matatagalan ang kanyang pagbabalik sa laro dahil sa natamo niyang injury sa paa sa laban kontra Detroit Pistons noong Martes.

Nag-aaverage si Davis ng 32.6 puntos kada laro at umiskor ng 37 sa Detroit, sa kabila ng malinaw na hirap matapos magpalala ng injury sa kaliwang paa sa fourth quarter.

Lumabas ang butas sa depensa ng Lakers sa  115-103 pagkatalo sa Detroit, kung saan nakontrol ng Pistons ang 67 puntos sa unang kalahati.

Mula nang buksan ang season na may tatlong tatlong sunod na panalo ang naitala ng Lakers sa pangunguna nina Davis at LeBron James.

Maging sa 131-125 panalo laban sa Raptors sa Toronto noong Biyernes ay lumalabas ang mga bitak habang hinayaan ng Lakers na lumiit sa isang digit ang 26-puntos na lead bago ilabas ang panalo.

Nagpalubha lamang sa sitwasyon ang  pinsala sa paa ni Davis.

Pagkatapos ng isang awkward landing nahulog siya sa court, hinimas ang paa bago tumayo at nagpatuloy.

 Lalabanan ng Lakers ang Grizzlies sa Memphis sa Miyerkules (Huwebes sa Manila).JC