Home ENTERTAINMENT Bea, sinabihang taga-Vivamax, umalma!

Bea, sinabihang taga-Vivamax, umalma!

398
0

Manila, Philippines — Sa X social media account ni Bea Binene, nag-react ang Viva artist sa isang nasulat na artikulo tungkol sa kanya.

Ipinost niya ito at nag-comment sa nasabing news article na credited sa Pilipinas Today.

Ayon sa artikulo, ibinahagi ni Bea kung paano siya dinisiplina noon ng kanyang ina, si Carina Binene.

Feeling daw niya noon na mahigpit ang kanyang ina dahil lagi siyang pinagbabawalan nito. Gayunpaman, na-realize raw niya ngayon na malaki na siya na may punto ang nanay sa pagdidisiplina sa kanya.

Ngunit ikinorek niya na never siyang naging Vivamax actress, kundi kabilang siya sa Viva One, salungat sa naiulat sa article.

Tweet niya: “Thanks for this po but just want to clarify. I’m with Viva One po. Thanks, God bless you.”

Sa ngayon, burado na ang nasabing article.

Ito naman ang ilang random na reaksyon ng netizens sa isyung ito:

“Ewan ko ba sa mga tao, marinig lang ang Viva, Vivamax na agad.”

“The disrespect to THE Bea Binene.”

“Ano pagkakaiba ng Vivamax and Viva One?”

“Vivamax bold po un. Viva One actingan.”

“Ginawa ka pang boldstar, kaloka!”

“Vivamax kasi yung ka-loveteam mo! Baka kaya akala Vivamax ka rin!”

Si Bea ay bagong ka-love team ng dating VMX actor na si Wilbert Ross sa Viva One series na “Golden Scenery of Tomorrow.”

Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here