Home NATIONWIDE PH military pang-‘world-class’ pero kulang sa gamit — Brawner

PH military pang-‘world-class’ pero kulang sa gamit — Brawner

288
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Romeo Brawner Jr., world-class at may karanasan ang militar ng Pilipinas, at ang kakayahan ay hindi lamang nakabase sa kagamitan kundi sa kasanayan at karanasan sa operasyon.

Kinilala niya na nakatulong ang mga kagamitan mula sa ibang bansa, tulad ng fleet mula South Korea at fighter jets mula Australia, ngunit iginiit niyang kulang pa ang kasalukuyang assets ng bansa.

“Kaya nating depensahan ang bansa… Pero kung iisipin ang buong kapuluan, hindi ito kayang sakupin ng kasalukuyang kagamitan. Sa ngayon, naka-focus lang tayo sa West Philippine Sea, at nakita na natin na kulang pa ito,” aniya.

Nasa proseso ng modernisasyon ang AFP at humihiling ng suporta mula sa Kongreso para sa pondo.

Sa iminungkahing P6.793 trilyong pambansang budget ng 2026, P50 bilyon ang nakalaan para sa revised AFP modernization program. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here