Home ENTERTAINMENT Bea, sinabing kayang mabuhay nang walang lalaki!

Bea, sinabing kayang mabuhay nang walang lalaki!

1
0

Manila, Philippines – Siguro naman ay magbabago pa ang mindset ni Bea Alonzo sa ngayon.

Nakapagbitiw kasi siya nang salitang she can navigate life without a partner.

Isa raw ito sa mga napagtanto niya when she enjoyed the time all to herself.

Tulad ng alam ng lahat, residente na ng Spain ang Kapuso actress doon having bought a property with a price so dear.

Kapag nasa Spain, Bea got to enjoy some scenic spots there.

She would also hang out sa bars, na sarili lang niya ang kanyang bitbit.

At kung nakasanayan nang gumimik ni Bea with friends once in a while dito’y sa Spain ay wala siyang mga kasamang kaibigan.

As in ninanamnam ni Bea nang wagas ang kanyang Spanish escapades!

And take note of Bea’s epiphany or realization.

Na sa buhay daw niya specifically ay hindi kailangan ng partner para sumaya.

Ingrained din sa kanya ang payo ng kanyang ina when it comes to love.

Ito’y ang mas pairalin ang utak kesa sa puso.

Siyempre, expect dissenting opinions tungkol dito dahil case to case basis naman ‘yan.

In Bea’s case nga lang, it sounds kinda contradicting.

Hindi nga ba’t minsan na niyang sinabing she’s racing against time dahil nadadagdagan nga naman ang kanyang edad nang hindi pa siya nagkakapamilya, as in married with kids?

As of now ay wala pa rin namang paliwanag si Bea sa naudlot na wedding nila ni Vincent Co sa Spain. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here