Home ENTERTAINMENT ‘Bebe,’ tawagan nina Mark at Jojo?

‘Bebe,’ tawagan nina Mark at Jojo?

Manila, Philippines- As a matter of exaggeration, 48,000 beses nang itinanggi ng Revival King na si Jojo Mendrez ang umano’y namamagitan sa kanila ni Mark Herras.

Matatandaang una silang namataang magkasama in the company of friends sa isang casino.

Nag-viral ang kuhang ‘yon, and Jojo’s management agency was quick to deny there was more to it.

Professional lang daw ang kanilang relasyon.

Sa recent presscon ni Jojo, sinorpresa siya ng pagdating ni Mark who even brought him flowers.

Kaso, the event had to be cut short dahil sumama ang pakiramdam ng singer.

Again, Mark’s showing up at the event didn’t signify anything.

As for Jojo, ayaw na niyang mag-comment pa.

lisipin daw ng tao ang gustong isipin ng mga ito.

Samantala, isang handwritten letter ang umano’y napulot ng waiter ang kumakalat ngayon sa social media.

Galing ito kay Jojo dated February 18.

Walang naka-address na pangalan sa sulat-kamay na sulat except that it bore “Bebe.”

Nakasaad sa sulat na: “Huwag ka ng (sic) magsayaw sa gay bar kasi hindi maganda para sa iyo. Ingat lagi…Nandito lang ako…”

Para kanino kaya ang sulat na ‘yon ni Jojo?

Sino ang tinawag niyang “Bebe” na ayaw na niyang pagsayawin sa gay bar?

Kayo na po ang bahalang manghusga! Ronnie Carrasco III