Home NATIONWIDE Pari sa Gaza tinawagan ni Pope Francis

Pari sa Gaza tinawagan ni Pope Francis

VATICAN – Kasabay ng bahagyang pagbuti ng kondisyon ni Pope Francis ay tinawagan nito sa pamamagitan ng telepono ang parish priest sa Gaza.

Ayon sa Collegio Filippino sa Rome, madaling araw ng Martes, Pebrero 25, ay wala nang mga bagong episode ng asthma-like respiratory distress ang Santo Papa.

“Ibig sabihin ‘yung kanyang paghinga ok na ok.”

Binabaan na rin ng bahagya ang oxygen flow levels at unti-unti nang bumabalik sa trabaho si Pope Francis.

Ayon sa Holy See, bago maospital ang Santo Papa ay tinatawagan nito ang parish priest sa Gaza para alamin ang sitwasyon doon.

Matatandaan na naging kritikal ang kondisyon ni Pope Francis noong mga nakaraang araw na nagdulot ng pangamba sa mga mananampalataya. RNT/JGC