Home NATIONWIDE Aid exemption ng Trump admin sa US foreign aid freeze sa Pinas,...

Aid exemption ng Trump admin sa US foreign aid freeze sa Pinas, malaking tulong – Malakanyang

MANILA, Philippines – MALAKING tulong sa Pilipinas ang naging desisyon ng administrasyong Trump na i-exempt ang $336-million assistance para sa modernisasyon ng Philippine security forces mula sa foreign aid freeze nito.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na ang eksempsyon ay malaking tulong para sa Pilipinas.

”Of course natutuwa po tayo… nagkaroon nga po ng direktiba si US President Trump na 90 days magkakaroon ng… ifi-freeze ‘yung foreign aid so kung nagkaroon po tayo ng exemption at nagkaroon po tayo at ibibigay po at irerelease po ang $500 million foreign financing sa atin. Ito po ay napakalaking bagay at nagpapasalamat po tayo sa suporta na ‘yan,” ang sinabi ni Castro.

Nauna rito, napaulat na itutuloy na ng Estados Unidos ang foreign aid na USD336 million para sa modernisasyon ng Philippine security forces.

Ang Reuters, sa isang ekslusibo na may petsang Pebrero 22, sinabi na ang specific assistance ay kabilang sa USD5.3 billion na ipinatigil na foreign aid na ipinalabas ng administrasyong Trump.

Malugod namang tinanggap ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez ang development na ito subalit hindi pa makumpirma kung pormal na ipaalam na ito sa Maynila.

“We are pleased with this development. Another significant sign that our strong partnership and alliance with the United States remains intact,” ang sinabi nito sa Philippine News agency (PNA).

Tinukoy ang mga nakalap na dokumento, sinabi ng Reuters na ang ‘exemptions’ ay ginawa bago pa ipag-utos ni US District Judge Amir Ali noong Feb. 13 sa administrasyong Trump na pansamantalang bawiin ang pagpapatigil sa pagkakaloob ng pondo sa mga programa na ipinatupad ‘as of January 19.’

Samantala, noong nakaraang taon, kapuwa inanunsyo nina dating US Defense secretary Lloyd Austin III at State secretary Antony Blinken ang pagkakaloob ng tulong nagkakahalaga ng USD500 million para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard. Kris Jose