Home METRO Bebot arestado sa 159 bilang ng Qualified Theft

Bebot arestado sa 159 bilang ng Qualified Theft

MANILA, Philippines- Nadakip ng Makati City police ang isang babaeng high profile fugitive na tinaguriang Top 10 most wanted person (MWP), nitong Sabado ng umaga, Marso 1.

Kinilala na Makati City police ang inarestong suspek na si alyas Daisy Grande, 39, may asawa, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Makati City.

Base sa report ay nangyari ang pagdakip sa suspek bandang alas-10:30 ng umaga sa Barangay Sta. Cruz, Makati City.

Naisakatuparan ang pag-aresto sa suspek sa bisa ng isinilbing warrant of arrest ng Warrant and Subpoena Unit (WSU) na inisyu ni Makati City Regional Trial Court (RTC) Pairing Judge Jonathan Honorato D. Lock ng Branch 60.

Si alyas Daisy Grande ay wanted dahil sa 159 counts ng qualified theft sa pamamagitan ng falsification of public documents kung saan nagtakda ng piyansa ang korte na kabuuang P5,174,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng WSU habang naghihintay ng commitment order ng korte para sa paglipat ng kanyang pagkukulungan sa Makati City jail.

Pinuri naman ni SPD director PBGEN Manuel J. Abrugena ang Makati City police at sinabing, “The arrest of alias ‘Daisy Grande’ demonstrates our firm resolve to bring fugitives to justice. This operation sends a strong message that we will continue enforcing the law and ensuring public safety. The Southern Police District remains fully committed to maintaining peace and holding offenders accountable.” James I. Catapusan