Home METRO Bebot na rider pisak sa 2 trak sa Ortigas Flyover

Bebot na rider pisak sa 2 trak sa Ortigas Flyover

95
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 31-anyos na babaeng rider matapos magulungan ng 12-wheeler truck at muling masagasaan ng dump truck sa Ortigas Flyover southbound patungong Meralco Avenue sa Mandaluyong, pasado alas-11:00 ng gabi noong Lunes, Abril 27.

Ayon sa driver ng 12-wheeler truck na galing Pampanga at patungong Pasig na may kargang buhangin, hindi niya agad namalayan na may nasagasaan siya.

“Naramdaman ko na lang po may kumalabog sa ilalim ng truck ko,” aniya, at saka lamang siya huminto at nakita ang biktimang nakabulagta na. Dead-on-the-spot ang rider.

Ilang oras matapos ang insidente, habang nakahinto pa ang 12-wheeler truck at naghihintay ng SOCO, muling nasagasaan ang biktima ng isang dump truck sa parehong lugar.

Ayon sa 29-anyos na driver ng dump truck na may kargang buhangin mula Pampanga patungong Teresa, Rizal, bigla umanong huminto ang sinusundan niyang SUV sa paakyat ng flyover kaya nabangga niya ito at kumabig pakanan.

“Pagkabangga ko po sa sasakyan, hindi ko po alam na tao po ‘yung nakabulagta,” aniya.

Parehong nasa kustodiya na ng Mandaluyong Police ang dalawang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at posible silang maharap sa kaukulang kaso. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here