LUCENA CITY- Patay ang isang 19-anyos na babae habang sugatan ang kanyang nobyo sa pananaksak nitong Miyerkules, ilang oras lamang matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal.
Iniulat ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) police nitong Huwebes na nagdiwang si Mitch Bartolome at kanyang kasintahang si Jake Montañez ng Bagong Taon sa Barangay San Juan bandang alas-4 ng madaling araw nang simulan ni “Jiemboy”, 44, amain ni Bartolome, ang pagtatalo.
Sa nasabing away, kinuha umano ni Jiemboy ang kanyang itak at tinaga ang babae.
Sinubukang awatin ni Montañez si Jiemboy, subalit intake rin siya nito.
Dinala ang mga sugatang biktima sa Rizal Provincial Hospital System sa lokalidad subalit idineklara si Bartolome na dead on arrival.
Nakatakas si Jiemboy matapos ang insidente at kasalukuyang tinutugis.
Hindi idinetalye sa ulat ang sanhi ng pagtatalo na mitsa ng krimen. RNT/SA