Home METRO Bebot patay sa araro ng aluminum van; 2 sugatan

Bebot patay sa araro ng aluminum van; 2 sugatan

MANILA, Philippines- Patay ang 29-anyos na dalaga habang sugatan ang dalawa pa matapos araruhin ng isang aluminum van habang tumatawid sa kalsada sa kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Mabuhay, Carmona City.

Kapwa isinugod sa Carmona Medical Hospital ang biktimang si Jemerine Bombani, 29, dalaga, isang production sub-leader ng Phase 7 B2 L5, Southville 4, Brgy. Pooc, Sta. Rosa, Laguna; kasama sina Sheryl Cantuba, 45, isang office staff ng Brgy. San Francisco, Biñan, Laguna; at Burlet Sevilla, 48, ng Sitio Lote, Brgy. Maguyam, Silang, Cavite. Hindi naman sinuwerteng makaligtas si Jemerine na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Kinilala naman ang driver ng Isuzu Rebuilt Aluminum Van na may plakang CBJ 3001 na si alyas ‘Fernado’, 30 ng Natividad St., Mapulang Lupa, Valenzuela City.

Batay sa ginawang imbestigasyon, dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente, kung saan habang minamaneho ni alyas ‘Fernando’ ang kanyang Isuzu Rebuilt Aluminum Van na binabagtas ang inner lane ng Governor’s Drive Brgy. Mabuhay, Carmona City, Cavite at dahil sa mabilis nitong pagpapatakbo ay hindi na niya nakontrol ang kanyang pagmamaneho nang tumawid sa kalsada ang tatlong biktima na ikinamatay ng isang babae at ikinasugat ng dalawa pa. Margie Bautista

Previous articleLTO nakatanggap ng higit 1M plastic cards para sa pag-imprenta ng driver’s license
Next articleMag-utol na nanggahasa sa tiyahin nalambat!