Home ENTERTAINMENT Denise Laurel, napagkakamalang si Deniece Cornejo, umalma!

Denise Laurel, napagkakamalang si Deniece Cornejo, umalma!

Manila, Philippines- Sa dinami-dami nga naman ng may katunog na pangalan ay ‘yung kay Denise Laurel pa ang tila minamalas-malas.

Since 2014 kasi ay lagi na lang siyang napagkakamalang si Deniece Cornejo.

As we all know, si Deniece ang model at showbiz hopeful na sinentensyahan ng reclusion perpetua kaugnay ng kasong isinampa ni Vhong Navarro.

Mula nga naman 2014 ay hindi na tinantanan ang aktres kahit maliwanag ang kaibahan sa spelling ng kanilang mga pangalan.

“Actually, hindi naman ako galit..napapagod lang!” tahasang sabi ni Denise.

Sa Instagram Reel, ipinakita niya ang compilation ng mga messages na natatanggap niya mistaking her for Deniece.

Ilan sa mga ito’y kung totoo bang life term ang sentence sa kanya.

May “pagkamaldita” pa nga ang sagot ni Denise para malaman ang malaking pagkakaiba nila ni Deniece.

Aniya: “I serve talent not ‘foods’!”

Kung matatandaan, naging pamoso ang linya ni Deniece asking Vhong Navarro na papunta sa kanyang condo unit na “bring foods.”

Abut-abot nga ang inaning panlalait ni Deniece sa paggamit niya ng plural form ng food.

Simple pero tagos sa laman din ang birada ni Denise.

Oo nga naman, for the longest time ay talent sa pagganap ang ibinibigay niya sa kanyang mga manonood.

Kumbaga, she’s not a Laurel for nothing!

Siguro naman, sa ginawang paglilinaw ni Denise ay tatantanan na siya ng mga tao as in addressing her as Deniece.

“Mine is Denise with an S..sssssss!” pagtutuwid niya. Ronnie Carrasco III