Home METRO Bebot pisak sa bumagsak na Balete sa QC, 2 sugatan

Bebot pisak sa bumagsak na Balete sa QC, 2 sugatan

1
0

QUEZON CITY — Isang 23-anyos na babae ang nasawi habang dalawa ang sugatan matapos bumagsak ang malaking puno ng balete sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin sa NIA Road malapit sa EDSA, Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Bandang alas-3 ng hapon nang mangyari ang insidente habang sumisilong umano sa ilalim ng puno ang tatlong biktima.

Batay sa identification card na nakuha sa biktima, residente ng North Caloocan City ang nasawing babae.

Umabot umano ng isang oras bago siya nakuha ng mga rescuer mula sa bumagsak na puno. Isinugod siya sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Malubha naman ang tinamong sugat ng isang motorcycle rider habang minor injuries ang natamo ng isa pang lalaki.

Ayon sa isa sa mga nakaligtas, nakarinig sila ng malakas na pagbitak bago tuluyang bumagsak ang puno ngunit hindi na sila nakalayo.

Nagdulot din ng pagsisikip ng trapiko ang insidente habang isinasagawa ang clearing operations sa lugar.

Samantala, ayon sa PAGASA, localized thunderstorms ang nakaaapekto sa Metro Manila nitong Huwebes, na maaaring magdala ng isolated rainshowers o thunderstorms. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here