Home METRO Bebot tigok sa sakal ng pinsang ‘di pinautang

Bebot tigok sa sakal ng pinsang ‘di pinautang

1
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang 21-anyos na babaeng estudyante matapos umano siyang sakalin ng kanyang pinsan nang hindi niya ito mapautang ng P5,000 sa San Antonio, Nueva Ecija.

Ayon kay San Antonio police chief PMaj. Ernesto Esguerra, pinuntahan ng 27-anyos na suspek ang biktima sa bahay nito sa Barangay Sto. Cristo noong Linggo ng umaga upang mangutang.

Nagkaroon umano ng pagtatalo matapos walang maibigay na pera ang biktima, bago umano siya sakalin ng suspek gamit ang kumot.

Matapos ang insidente, kinuha rin umano ng suspek ang cellphone ng biktima bago tumakas.

Natagpuan ang dalaga pasado alas-10:30 ng umaga nang puntahan siya ng isa pang kamag-anak.

Una umanong inakala ng pamilya na nagpakamatay ang biktima, ngunit ayon sa pulisya, lumabas sa autopsy na strangulation ang sanhi ng kanyang pagkamatay.

Natukoy ang suspek matapos sabihin ng isang saksi na siya umano ang huling nakitang pumunta sa bahay ng biktima.

Naaresto kalaunan ang lalaki at narekober umano sa kanyang pag-iingat ang cellphone ng biktima. Ayon din sa pulisya, umamin umano ang suspek sa krimen.

Nasa kustodiya na siya ng San Antonio Police Station at inihahanda ang kasong murder laban sa kanya. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here