PANGASINAN- Swak sa kulungan ang isang 44-anyos na high value individual na babae matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Barraca, Villasis ng lalwigang ito kahapon ng umaga.
Sa inilabas na press release ni Police Lt. Col Benigno C. Sumawang, Chief ng RPIO ng Police Regional Office 1, ang suspek na si alyas “Joyce” ay tubong-Baguio City at nangungupahan sa isang apartment sa Urdaneta, Pangasinan.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na pwersa mula sa Regional Police Drug Enforcement Unit 1 (lead unit), RID PRO 1, RIU1, PDEG SOU1, PDEA Pangasinan, PIU Pangasinan PPO, PDEU Pangasinan at Villasis MPS.
Nakarekober ang mga awtoridad ng anim na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa naturang buy-bust operation.
Tumitimbang ng 30 gramo at nagkakahalaga ng P204,000 ang narekober na hinihinalang shabu mula sa suspek.
Binati naman ni PRO1 Regional Director Police Brig. Gen. Lou F Evangelista ang operating team sa matagumpay na pagkakahuli sa suspek.
“This successful operation sends a clear message that we will not tolerate the presence of illegal drugs in our communities. We will remain aggressive and relentless in our efforts to ensure a drug-free and safer Region 1,” wika ni Evangelista. Rolando S. Gamoso