Home METRO Bebot tinoyo, nagpanggap na na-rape para pansinin ng jowa

Bebot tinoyo, nagpanggap na na-rape para pansinin ng jowa

PALAWAN – Sa kagustuhang mapansin ng kanyang nobyo, nagawa ng isang babae na gumawa ng kwento at magpanggap na pinagsamantalahan ng tatlong kalalakihan sa Puerto Princesa City.

Lubos naman ang paghingi ng paumanhin sa mga awtoridad ng isang 21-anyos na babae sa gulong naidulot.

Base sa kwento ng babaeng itinago sa pangalang “Gemma,” na sakay umano ng tricycle si Gemma nang pagsamantalahan siya ng tatlong lalaki.

Bunsod nito, nagsagawa ng imbestigasyon ang Police Station 2 para mahanap ang mga suspek.

Kalaunan ay umamin si Gemma na gawa-gawa niya lang ito at si sinabing kulang umano ang atensyon na ibinibigay sa kaniya ng kaniyang kinakasama kaya gumawa siya ng kuwento upang subukan kung mahal pa siya nito at nagmamalasakit.

Nagbabala naman ang pulisya na maaaring maharap sa reklamo ang mga taong gumagawa ng kuwento. RNT

Previous articleDahil sa utang, volunteer social worker binaril sa harap ng ina
Next articleSwiss nat’l kulong sa bomb joke sa Siargao airport