Home METRO Dahil sa utang, volunteer social worker binaril sa harap ng ina

Dahil sa utang, volunteer social worker binaril sa harap ng ina

CALOOCAN – Nang dahil umano sa utang ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 19-anyos na volunteer social worker sa harap mismo ng kanyang ina.

Base sa ulat na nangyari ang insidente noon pang Pebrero 15 nang bigla na lang umanong kumaripas ng takbo mula sa sala ng kanilang bahay ang biktimang kinilalang si Mark Anthony Adobas

Base sa ina ng biktima, tumakbo papunta sa kanya ang anak matapos na may pumutok. Inakala pa nga niya itong pagsabog mula sa kanilang TV pero nakita na niyang duguan ang kanyang anak.

Sa taranta, lumikas ang mag-ina at lumabas ng kanilang bahay, pero naghahantay pala ang suspek at muling pinagbabaril ang biktima sa mukha at sa katawan.

Naaresto naman ang suspek sa follow-up operation, at lumitaw na dati nang nakulong sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.

Sinabi naman ni Police Major Valmark Funelas, hepe ng Caloocan Police Sub-Station 10, may kaugnayan sa pera ang ugat ng krimen.

“Accordingly sa kaanak ng biktima, may utang sila na… kalahati lang ang nabayaran. Nagbanta ang suspek, pumunta sa bahay, nagbanta na kapag hindi nagbayad, may mangyayari na masama,” ani Funelas.

Itinanggi naman ng suspek ang pamamaril.

Giit pa ng pamilya na mayroon pa umanong ibang sangkot sa krimen at humihiling sila ng hustisya para sa biktima. Santi Celario

Previous article2 minero patay sa loob ng balon
Next articleBebot tinoyo, nagpanggap na na-rape para pansinin ng jowa