TABUK CITY, Kalinga – Pinaglalamayan na ngayon ng mga kamag-anak at pamilya ang dalawang katao na namatay matapos na ma-suffocate sa loob ng balon na hinuhukay sa Brgy. Balawag, Tabuk City dito sa nasabing probinsya.
Kinilala ang mga biktimang sina Ernesto Palason Ban-nua. 43-anyos, construction worker, at Eduardo Havier Ramirez, 63-anyos, na kapwa residente ng Brgy. Balawag, Tabuk City, Kalinga.
Ayon kay George Garita, kasamahan ng dalawang biktima, kanyang sinabi na nagtungo si Ban-nua sa balon na nasa siyam na metrong lalim nang walang suot na anumang proteksyon sa katawan.
Habang siya’y nasa loob ng balon, nahilo umano ito kaya tinawag ang kasamahan na si Ramirez upang siya’y tulungan.
Nang subukan naman sagipin ni Ramirez si Ban-nua ay bigla rin umano itong nahilo.
Sinubukan namang tulungan ni Garita si Ramirez gamit ang tali subalit tuluyan na rin itong nahulog sa balon.
Agad umanong humingi ng tulong sa kanilang Barangay si Garita kaya naiahon din ang katawan ng dalawang biktima subalit nang sila’y dalhin sa ospital ay idineklarang dead on arrival. Rey Velasco