Home METRO ‘Beki’ napasubo ng 2 ‘hotdog’ kalaboso

‘Beki’ napasubo ng 2 ‘hotdog’ kalaboso

Bulacan – Arestado ang lalaking motorcycle rider na umano’y nangmolestiya ng dalawang menor-de-edad sa liblib na lugar sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek sa alyas EBR, 37, residente ng Brgy. Bagong Buhay habang mga biktima ay itinago sa alyas KCS, 15 at EJS, 14, residente ng Brgy. Sta Cruz V at Brgy. Sta Cruz IV.

Sa report ng SJDM police station, nadiskubre ang insidente bandang alas-12:10 ng madaling araw nitong January 8 sa Brgy. Sapang Palay Proper.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, inimbitahan ng rider ang dalawang biktima na sumakay sa kanyang motorsiklo para mamasyal na kanilang pinaunlakan kapalit ang hindi nabatid na halaga ng pera.

Nabatid na biglang inihinto ng rider ang kanyang motorsiklo sa madilim at madamong lugar hanggang tuluyang abusuhin umano ang mga biktima.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, napadaan ang mga nagpapatrulyang mga pulis sa lugar na namataan ang abandonandong motorsiklo sa madilim na lugar kaya binabaan nila ito at nakita ang tatlong indibiduwal.

Nang dalhin ng mga pulis sa barangay ay napag-alamang ginawan ng kahalayan ng suspek ang dalawang binatilyo kaya agad nila itong inaresto kasabay ang pagpapaalam sa kanyang mga karapatan.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 7610 Sexual Abuse habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III