Home METRO HVI tiklo sa P1M droga

HVI tiklo sa P1M droga

MANILA, Philippines- Isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado ng pwersa ng Lumban Police Station sa isinagawang buy-bust operation nitong madaling araw (Jan. 9, 2025) sa Barangay Concepcion sa bayan ng Lumban, Laguna.

Ang suspek na kabilang sa talaan ng pulisya ng High Value Individuals hinggil umano sa pagpapakalat ng ipinagbabawal na gamot na kilala sa tawag na shabu ay kinilala sa alyas na “Atan,” nasa hustong gulang, residente ng nabanggit na lugar.

Base sa report ni PMaj. Bob Louis L. Ordiz, Chief of Police ng Lumban Police Station sa Laguna Police Provincial Office, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation kung saan nagpanggap na buyer ang isang pulis kapalit ng marked money.

Napag-alaman na nadakip ang suspek sa aktong pagbebenta umano ng ilegal na droga sa poseur buyer na kaagad na pinosasan ang suspek, at nakumpiska ang hinihinalang shabu na may kabuuang 150 gramo at Standard Drug Price na P1,020,000. Kabilang din sa narekober sa suspek ang weighing scale, blue pouch at marked money na halagang P1,000.

Pansamantalang nakapiit ang suspek sa himpilan ng Lumban Police Station kung saan nahaharap siya sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

“Tinitiyak ko na mananagot sa batas ang bawat nahuhuling drug personality, dahil sa impluwensya ng droga ay nasisira ang mga pamilya, kabataan at lalong higit ang ating pamayanan makaasa ang ating mga kababayan na paiigtingin pa ng Laguna PNP ang mga operasyon kontra droga,” wika ni PCol. UNOS. Ellen Apostol