Home ENTERTAINMENT And The Winner Is, pinakamahinang MMFF entry ni Vice!

And The Winner Is, pinakamahinang MMFF entry ni Vice!

Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas na ng Metro Manila Film Festival ang box office figures ng sampung entries.

Gayunpaman, may mga reliable source na ang naghatid ng impormasyon na sa 10 official entries to the 50th MMFF ay ang And The Breadwinner Is ni Vice Ganda is taking the lead.

Diumano, naka-P270 million lang ang gross nito sa takilya.

Sinasabing ito ang pinakamahinang entry ni Vice Ganda sa MMFF.

Still, it’s safe to say na nakabawi na rin ito kung ikukumpara rin lang sa ibang entries.

Ang entry with the lowest box office take ay hindi man tinukoy pero may hinala na ang marami kung ano ito.

Sa sobrang hina nga raw ay nasa P4 million lang ang kinita nito.

Pero kung all 10 entries ang pag-uusapan, hindi pa sumasampa ng P600 million ang total gross.

Sa biglang tingin nga’y napakalayo nito sa naitalang figures ng MMFF 2023.

Ito’y kung saan ang biggest box office winner ay ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

The MMFF 2023 entries reportedly grossed P1 billion.

Dala na rin ito ng extended showing, isama pati ang mga kinita ng mga ito sa screening abroad.

Magkaroon kaya ng pagbabago pag idinaos ang MMFF this 2025?

Tumalima kaya ang pamunuan sa panawagang ibalik sa walo ang bilang ng mga official entries para pantay-pantay lahat ang mga sasaling film companies?

Given the box office performance ng mga pelikula nina Vic Sotto (na hindi nag-number 1) at Vice Ganda, ganahan pa kaya silang lumahok ngayong 2025? Ronnie Carrasco III