Home ENTERTAINMENT Bela, sinabihang hindi bagay sa It’s Showtime!

Bela, sinabihang hindi bagay sa It’s Showtime!

Manila, Philippines- Ngayon lamang nababad sa pagho-host si Bela Padilla at sa It’s Showtime pa mandin. Ito ay after nitong umuwi ng ‘Pinas pagkatapos ng kanyang mahaba-habang paglalagi sa ibang bansa.

Subalit may napapansin ang ilang netizens sa actress.

May iba na ang gustong palabasin, ang isang matalinong aktres at filmmaker na kagaya ni Bela ay hindi dapat mag-concentrate as host at di raw nababagay sa isang show na sinasangkalan ang kanilang guests para lamang magpatawa. Ayon pa sa ilan, hind naman daw comedienne si Bela.

Dahil nakarating na rin sa kanya ang mga comments ng ilang netizens, kanyang sinagot ang isang netizen na nagsabing hindi bagay ang kanyang hosting style sa It’s Showtime. Aniya, masaya siya dahil napabilang siya sa It’s Showtime family. Kanya pang ipino-post sa kanyang Instagram account kung paano siya nagi-enjoy sa show.

Kinakarir niyang bumangon nang maaga at siya mismo ang nagda-drive papuntang ABS-CBN studio kung saan ginaganap ang daily noontime program.

Sa Instagram, ipinasilip pa ni Bela ang daily routine niya habang nandito siya sa Pilipinas.

Kabilang na rito ang pagpunta niya sa studio ng Kapamilya noontime show habang nagmamanehong mag-isa.

Caption ni Bela, “In my demure, mindful and cutesy era.”

Sa comments section ng post ni Bela, isang netizen ang nagkomentong hindi raw nababagay ang hosting style ng aktres sa noontime show.

Sey ng netizen,”It doesn’t suit you!”.

Dagdag pang komento ng nabanggit na netizen: “I saw you on that show with vice ganda and her gang. I have to say it doesn’t suit you. You come across as a smarter actress and intelligent filmmaker. All these nonsense show with their stupid cheap jokes at the expense of their guests is not you. I’m just saying.”

Hindi sinang-ayunan ni Bela ang komento ng netizen.

Ani Bea, “best time” daw nito ang ilang oras na pagho-host at samahan nila sa noontime show.

Sabi niya, “I totally disagree. If one is truly smart, they can adapt to any environment.

“I always have the best time when I’m in Showtime.

“I genuinely love talking to people and making them laugh and I am self deprecating enough to be laughed at too so it goes both ways.

“I’ve been regularly visiting showtime since 2017 and I’m lucky that Vice and ‘her gang’ always make me feel welcome and never oblige me to let go of what I really am, which is a filmmaker,” saad ng actres-produ. Ador Saluta