Home ENTERTAINMENT Belle, nag-walk out sa ipis!

Belle, nag-walk out sa ipis!

Manila, Philippines – Nag-walk-out pala si Belle  Mariano sa taping ng top-rating series ng ABS-CBN  na Can’t Buy Me Love na pinagbibidahan nila ng ka-loveteam na si Donny Pangilinan.

Ang huli mismo ang nagbisto ng ginawang pag-walk-out ng una sa pamamagitan ng pag-post niya ng video sa Facebook.

Ayon kay Donny, may isang eksena kasi sila sa Can’t Buy Me Love na magkasama sa closet.

Noong una raw ay pekeng ipis ang ginamit bilang prop ngunit nang gamitin na ang totoong ipis, bigla na lamang daw naglaho sa closet si Belle.

“Nag-walkout siya in a good way. Alam naman nila na takot siya sa ipis,” sabi ni Donny na natatawa.

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Can’t  Buy Me Love, nalungkot  ang mga tagahanga ng DonBelle.

“Sana extended pa ang CBML pls. Naku, wala na kaming papanoorin gabi gabi sa Netflix TV malungkot na nman ang life namin dito sa aming compound, yan lang ang aming pinapanood at sinusubaybayan, ang CBML. 

“Avid fan talaga kami ng DonBelle, ang galing nila umakting at bagay talaga silang dalawa, sina Donny at Belle, kinikilig kami sa kanila,” sabi ng isang tagahanga ng Donbelle. Rommel Placente