Home METRO Pinay, French national natagpuang patay sa camping tent

Pinay, French national natagpuang patay sa camping tent

CEBU CITY- Palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang pagkakatagpo sa bangkay ng dalawang katao kabilang ang isang French national sa loob ng camping tent Tagbilaran City, Bohol.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jennifer Cornelio, 30-anyos, ng San Fernando Cebu at Sylvian Florian Delaitre, 39, ng Angers, France, at naninirahan ang mga ito sa Bool District, Tagbilaran.

Batay sa report ng Tagbilaran City Police Station, umaga ng Biyernes natagpuan ang bangkay ng dalawa sa loob ng tent sa bakanteng lote ng subdivision sa Bool District.

Sa pagsisiyasat ng pulisya sa lugar ng pinangyarihan ng insidente, nadiskubre malapit sa bangkay ng dalawa ang ang isang galon ng muriatic at isang kemikal na pinaniniwalaang hydrogen sulfide.

Inaalam na ng mga awtoridad kung totoong nagpakamatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pag-inom ng lason o kung may naganap na foul play sa nasabing insidente. Mary Anne Sapico