Home NATIONWIDE PCG: ‘Transparency strategy’ sa WPS may positibong epekto

PCG: ‘Transparency strategy’ sa WPS may positibong epekto

MANILA, Philippines- Naniniwala ang isang opisyal mula sa Philippine Coast Guard (PCG) na ang transparency strategy nito sa West Philippine Sea, na naglalantad sa mga agresibong aksyon ng China sa lugar, ay nagdudulot ng positibong epekto.

Sinabi ni PCG spokesperson to the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na “talagang kinasusuklaman ng gobyerno ng China ang ideya na ang internasyonal na komunidad ay tutuligsa at pupuna sa kanilang mga aksyon.”

Napansin ni Tarriela ang pagbabago ng istratehiya sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

“But for this administration [of] Pres. Bongbong Marcos, we have intensified the transparency, we exposed the illegal presence of the Chinese, we tell the international community about the harassment of the Filipino fishermen. We keep on documenting the damage to the environment of the Chinese forces,” sabi ng opisyal.

Sinabi ni Tarriela na simula nang ipatupad ang transparency strategy, maraming bansa ang nagbigay ng kanilang suporta para sa Pilipinas tulad ng pagtulong sa pagbibigay ng satellite imagery.

Napansin din ng opisyal ang pagkakaiba sa operasyon ng Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea.

Ngunit dahil sa transparency, hindi gumagawa ng ganitong uri ng tailing ang Chinese Coast Guard vessels.

Ayon kay Tarriela, ginagawa nila ito mula sa likuran dahil iniisip nila na ang mga sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard ay maaaring iulat ng mga mamamahayag, o mayroong mga makapangyarihang HD camera upang idokumento muli ang kanilang panliligalig, dagdag ng opisyal.

Sinabi ni Tarriela na ang mga mamamahayag na nagko-cover sa West Philippine Sea ay “nagtatamasa ng kalayaan sa pamamahayag, pananalita” kaya walang dahilan para sila ay magsinungaling.

“The mere fact na sinabi nilang (China) tayo ang gumagawa ng kasinungalingan, it means our transparency strategy is working,” giit pa ni Tarriela. Jocelyn Tabangcura-Domenden