Home ENTERTAINMENT Pokwang, payag na dalawin ni Malia si Lee sa Amerika!

Pokwang, payag na dalawin ni Malia si Lee sa Amerika!

Manila, Philippines – Sa exclusive interview nI Pokwang sa Fast Talk With Boy Abunda, natanong siya tungkol sa pagkaka-deport ng dating live-in partner na si Lee O’Brian.

Sabi ni Pokwang, “Para sa ikabubuti naming dalawa and para makapaghanapbuhay na rin siya nang maayos, ako rin ganoon.

“Para makapag-provide kami nang mas maayos para sa anak namin. Kasi kapag nandito siya, alam ko, hindi naman siya makakapaghanapbuhay dito.”

Ayon pa kay Pokwang, paano ito makapagbibigay ng suporta sa kanilang anak na si Malia kung hindi ito makakapag-work.

Peace of mind na rin daw ang hatid sa kanya ng pagbalik sa Amerika ni Lee dahil habang nasa Pilipinas ito ay maraming nakakarating sa kanya na hindi magaganda na nakaaapekto sa kanyang trabaho.

“Habang nandito siya, ang daming nakakarating sa akin na hindi maganda na may mga katibayan naman, lalong hindi ako nakakapagtrabaho.

“Kawawa lang yung bata kasi hindi kami makapaghanapbuhay pareho. Bakit ba kami nagtatrabaho? Di ba para sa anak namin?

“Pero when it comes to karapatan niya kay Malia, hindi ko naman yon ipagdadamot. Basta ayusin lang niya ang buhay niya. Anuman ang mangyari, tatay pa rin siya ni Malia. Hindi ko aalisin yon.

“Kung gusto ni Malia na pumunta doon [sa Amerika], then go fine. Kung gusto niya na dalawin siya ni Malia sa Amerika, okay, go. Ihahatid ko pa, basta ibabalik niya sa akin,” sabi pa ni Pokwang. Rommel Placente