Manila, Philippines – Trending ang video na ipinost ni Donny Pangilinan sa kanyang Instagram account.
Sa nasabing clip, makikitang sumasayaw ang aktor kasama ang love team partner na si Belle Mariano sa saliw ng kantang “Funkytown” na pinasikat ng American disco-funk group na Lipps noong dekada 80.
Sa video, may paepek pang bago ang kanilang harutan nang sinasampal-sampal ni Belle si Donny bago sila gumiling o sumayaw.
Patok naman sa kafaneyan ang kanilang cute na dance moves.
Hirit pa ng kibitzers, nanggigil daw si Belle hindi lang sa kaguwapuhan kundi sa kakulitan ng kanyang kanyang love team partner.
May komento rin ang tatay ni Donny na si Anthony Pangilinan sa kanilang cute act.
Sey ni Anthony: “Naku ha, time namin yan, amin yan!”
Ito naman ang iba’t-ibang reaksyon ng followers ng DonBelle sa naturang clip.
“Gigil na gigil c belle ang lambing nmn ni donny so sweet lovers.”